Hidden Operations of God — Si Lord, May Secret Mission?!

 


May kilala ka bang taong tahimik lang pero grabe kung kumilos? Yung parang wala lang, pero ‘pag hindi siya gumalaw, sabog ang buong barkadahan? Well… si God, ganun din. πŸ˜†

Hindi lahat ng galaw Niya obvious. Hindi laging may angel na magpapakita sayo with wings at spotlight from Heaven. Hindi laging may dramatic soundtrack habang nagdadasal ka. Minsan, parang… wala. Tahimik. Pero actually, andaming nangyayari — hidden operations ‘ika nga.

Dati, Simple Lang Ang Holiness

Kung iisipin mo, nung panahon ng Old Testament, hindi komplikado ang pagiging banal. Wala pang mga step-by-step spiritual formation guide, walang Catholic vlogs, walang YouTube “How to Pray the Rosary in 5 easy steps.”

Ang formula lang dati? Fidelity sa gusto ni Lord. Yun lang. Kung anong ibigay Niyang duty sa moment na ‘yon, gawin mo lang — kahit hindi mo gets, kahit walang instruction manual, kahit walang explanation kung bakit.

Parang may checklist ang langit noon:

  • God: “O, gawin mo ‘to.”

  • Holy Person: “Opo.”

  • Heaven: ✅ Check! Next!

Ganun ka-simple. Wala nang tanong-tanong. Wala nang, “Lord, sign nga po please, baka mali ako ng desisyon.”

Enter Mama Mary: The Queen of Chill Yeses

Fast forward tayo kay Mama Mary. Pinaka-simple na tao, pinaka-close kay God. Imagine mo, isang araw, biglang may Angel Gabriel — hindi messenger sa FB, hindi LBC rider, hindi rin Lalamove rider, ANGEL — lumapit sa kanya:

“Hail, full of grace! You’re gonna be the Mother of God.”

Kung tayo ‘yun, baka:

“Wait lang po, paano po nangyari ‘to? May kontrata ba? Covered po ba ako ng PhilHealth dito?” πŸ˜…

Pero si Mary? Kalma. Walang drama. Walang panic buying ng diapers. Sagot lang niya:

“Fiat mihi secundum verbum tuum.”
(Tagalog translation: “Sige po, ayon sa gusto N’yo.”)

Yun na. Mic drop. History of salvation: officially underway.

Isang simpleng “yes” lang — walang fireworks, walang special effects — pero BOOM! Naging entry point ng Diyos sa mundo.

Same Mechanics, Different Generation

At guess what — ganun pa rin pala ang system ni Lord hanggang ngayon. Ang pinakagusto Niyang sagot: “Fiat voluntas tua.” Thy will be done.

Hindi Niya kailangan na laging may malaking project ka para sa Kanya. Hindi Niya inaatasan na magtayo ka ng 10 bagong simbahan, mag-viral ka sa Catholic TikTok, o mag-organize ng pilgrimage to Rome every year.

Minsan, ang gusto lang Niya:

  • Maghugas ka ng pinggan nang hindi nagrereklamo.

  • Magpatawad kahit gusto mong magalit.

  • Ipaubaya ‘yung plano mo kasi alam mong may mas magandang plano Siya.

  • O, minsan… umupo ka lang, huminga, at manahimik, at hayaan mo Siyang kumilos.

Dun pumapasok ang hidden operations of God — yung tipong tahimik kang sumusunod, pero sa hindi mo alam na paraan, may graces nang dumadaloy sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, minsan pati sa mga taong ‘di mo kilala.

Para kang Wi-Fi na hindi nakikita pero nakakapag-connect ng mga tao sa langit. πŸ˜†


Feeling Mo Useless? Nope. You're a Secret Agent.

Minsan feeling natin, “Wala naman akong ambag sa simbahan… wala akong ministry… wala akong ginagawa.” Pero baka naman ikaw pala ang “quiet powerhouse” ni Lord.

Baka yung simpleng pag-aalaga mo ng bata, pagluluto ng itlog, pagtitiis sa asawa mong pagod at tahimik lang pag-uwi — yun pala ang mission mo ngayon.

Baka rin ‘yung simpleng pagpasok mo sa trabaho kahit antok ka, pag-aabot ng sukli nang may ngiti, pagtya-tyaga mo sa boss na toxic — yun na ‘yung holy ground kung saan gumagalaw ang Diyos.

O kaya ‘yung pagpupuyat mo bilang estudyante, pagpipigil na mandaya, pagtulong sa kaklase kahit busy ka — mission field din ‘yan, hindi mo lang ramdam.

Hindi glamorous, hindi Instagrammable, pero sobrang fruitful — kasi si Lord ang gumagalaw sa likod nito.

Si Mama Mary nga, minsan nagluluto lang, naghuhugas lang, nag-aalaga lang ng bata, pero yun na — yun ang gusto ni Lord sa moment na ‘yon, at yun ang naging daan ng kaligtasan ng buong mundo.

Kaya wag mong ismolin ang ginagawa mo ngayon. Baka hindi mo lang kita, pero baka langit na ang gumagalaw d’yan habang nagbabalik ka ng folder, nagluluto ng pancit, nagde-defend ng thesis, o simpleng nakikinig sa kaibigan mong brokenhearted. πŸ’›πŸ’› 


So ngayon, challenge time:

Huwag kang ma-pressure na laging may big gesture kay Lord. Kahit ‘yung simpleng pagtingin sa langit at sabihing, “Lord, kung ano ‘yung gusto Mo ngayon — go, let’s do it.”

Ganun lang. Isang simpleng “yes” — pero baka yun pala ang magbukas ng bagong chapter ng grasya hindi lang sa’yo, kundi sa kung sino-sino pa na hindi mo man lang kilala.

Hidden operations of God, friend. Tahimik, pero mind-blowing.


Inspired by: Abandonment to Divine Providence by JP de Caussade






Comments

Popular Posts